Magandang araw mga kalibot!

Nakatira nga pala kami sa isang jeep, at ipapakita ko sa inyo ang ibang perspective sa reyalidad ng buhay ng pagtira rito ng mahigit pitong buwan habang mabagal na nililibot ang ating bansa.

Sa video na ito, ipapakita ko sa inyo kung paano kami maligo sa labas at sa loob ng bahay jeep, paano maglaba ang ating mga kasamahan, paano tayo mag-groom ng mga aso, pahapyaw na introduction sa mga crew members ng Bahay Jeep para mas makilala nyo sila ng mas malalim.

Isa sa pinaka ipinagmamalaki nating mga pinoy ang mainit na pagtanggap pagdating sa ating mga bisita pero paano nga ba tayo tumatanggap ng bisita kung ang silid tanggapan natin ay ginagawa rin nating tulugan sa gabi? Ano ang mga actions na ginagawa natin para mapanatiling malinis ang ating bahay?

Lahat ng iyan ay ipapakita ko sa vlog na ito and isa na ata ito sa pinakasiksik at informative vlog na ibabahagi ko sa inyo lalo na kung maraming mga tanong ang naglalaro sa isipan nyo mula ng marinig nyo ang tungkol sa ginagawa namin ni Antet na pag-iikot ng bansa kasama ang aming anak at tatlong aso.

36 Comments

  1. Thanks for highlighting the behind the scenes of daily living in the Bahay Jeep from the daily organizing and cleaning to the unglamorous tasks of taking showers and fetching water from a nearby well. Not all can appreciate the lifestyle of living in a small space. Kudos to you and the BJ crew for making it work so the adventure can continue.

  2. Patry niyo po yung golden milk kay Cryz, madali lang gawin, parang salabat lang na may turmeric at gatas. Maganda siyang pang boost ng immune system, at mas napapabilis niya yung recovery time pag meron kang trangkaso.

  3. Ms. Alpha. Try nyo po yung mga dri-fit na mga damit para mas madali po matuyo pag nilabhan, versus mga cotton shirts. Nakita ko yung suot na Philippine Loop shirt nyo, am not sure kung ano tela/fabric nun. Suggestion ko lng po yun.😊 Again, ingat po kayo.
    God bless.🙏
    P. S. Dapat talaga i ponsor kana ni Boss Antet ng gimbal.😅

  4. Alpha. Pag nag sasabi ka ng mga gamit mo about with wallet wag mo na sabhin kasi Malay mo may mga nadadaan matrices Kung San wallet just saying Lang wag mo sabhin mga important things nio salamat at waiting for the new Uplaod. Always watching from kuwait

  5. Ang cute ng mga aso mo. Pwede pla na pliguan ang aso ng halos araw2? Kc sb nila d daw mganda sa aso yun.😊😊😊

  6. Acidic po si Crys kaya may type of vitamin C na nakaka hapdi po ng tyan niya which is ascorbic acid,

    yung non acidic po is Vitamin C sodium ascorbate-Immunopro isda best po ❤ Pakisabi kay Crys maam is to invest sa health🎉

  7. Grabe po kayo sa sipag❤🎉 Nakaka inspire! Magpapaligo nadin ako bukas ng dog ko 2 weeks na di naligo😢😅

  8. Love your fur babies 🐶🐶🐶
    Goal ko din yan in the future mkapag coffee inside Bahay Jeep lol
    Ingat kayo lagi Alpha and team!🩷🙏🏼

  9. Kayu po ang Mother and Father ng bahay, Gabay, patnubay pang unawa para sa Team Kalibot..
    🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

  10. Ingat kayo ha uso ang pneumonia ngayon lalo na at lagi kayong inuubo masyadong unpredictable ang panahon diyan at delikado sa health god bless you all

  11. Pag nag papaligo ka nang fur babies mo ingatan mong wag mabasa ang loob nang ear mangangamoy kasi dahil sensitive ang tenga nang mga aso ganyan ang nangyari sa poodle dog ko tuloy kailangan niya nang ear drops every time

  12. Present po ulit ☺️
    Maam alpha saludo po ako sa inyo bilang isang mabait at masipag na nanay sa lahat ng bahay jeep crew
    Cryz magiging okay ka din 💪🤟

  13. Parehas kami Crys Mommy alpha, mountaineer at super sporty ako nun sa Mapua pero may heart disease at rare disease na kienbocks at super lagnatin pa. Pero di ako huminto na baguhin ko mundo ko para umakyat ng umakyat ng bundok at iba pang sports at mapunta sa iba ibang bansa. Now am in my 50s dto na ako sa Canada nag settle at nag aadventure kasama ng pamilya ko. Till now pag nay chance sumasama p ko sa outreach program ng mga kasama ko sa Mapua mountaineering. Hope magkita kita tayo sa bohol nxt year March sa scuba adventure namin. More power sa inyo at Crys always think you can make a difference! By the way batang palengke ako sa Cainta, lumaki ako sa hirap pero naging inspirasyon ko hirap namin para makamit ko pangarap ko.

  14. to cryz.. pahuway og insakto jud dhong kung mahimo 8 hrs of sleep drink plenty of water ayaw mo ng vegetables,, so eat more fruits and yes! yung vitamins( stresstabs) bagay kaayo na nimo enumon.. ooh nga po ms. alpha akala ko nga teens pa to c cryz.. 🤣 get well soon cryz… 😘

  15. Almost a year na akong Subscriber ni kuya antet, ito lng talaga ang pang tanggal stress ko sa work and school ko, at ARAW2 po tlga akong nag aabang ng uploads ni kuya, at heto na nga po dumating na din po sa time na nag vlog na din kayo, which is mas aabangan ko pa, kasi yng hindi maipakita nila kuya, ay pwde nyo pong maging content , napaka TRANSPARENT po tlga ng vlog nyo, mas na hohook ako kesa ibang vlogs na khit sobra galing sa edit or workplace, iba pa din ang impact ng vlog nyo, KUDOS sa team bahay jeep!

    Watching EVERYDAY from British Columbia, Canada!

  16. May side effect talaga yung strestab. Nakakapag diarrhea. Nakalagay sya sa sa box nya. Try nalang nya ng ibang vitamins. Para lalo syang lumakas. 😊

  17. How caring kuya antet is. Di kasi nakikita lahat ng nangyayare sa bahay jeep eh. Ngayon eto detailed na. Baka pati pag cr nyo eh kelangan ivlog para malaman lang nila na di kayo ma antot. Hays. 😅

Write A Comment